Saturday, April 05, 2003 |
|
this is an essay i wrote a year ago inspired by my friends. i was in a 3-day silent retreat and i wrote this during one of our prayer sessions.
ISANG SANAYSAY TUNGKOL SA PAGKAKAIBIGAN
Ang paghahanap at pagkakaron ng kaibigan ay parang proseso ng pagtatae. Madali para sa iba pero mahirap para sa nakararami. Minsan namamahay ang pwet mo pero minsan ready ka na kahit saan. Tapos, pag tumatae ka na, aba! May sorpresa pa pala! May panahon na parang ang lumalabas sa iyo, lahat na yata ng laman ng kaloob-looban mo. Minsan ang lumalabas yung mga maliliit lang, pero sangkatutak naman! Minsan, ang nilalabas mo yung isang mahaaaaabang tae. Na sa sobrang haba, hindi mo alam kung papaano ito mafuflush lahat sa isang iglapan. Minsan naman parang kumain ka ng champorado at yung ang nilabas mo. Minsan katamtamang dami lamang ang lumalabas, yung mas malaki sa maliliit pero mas maliit sa mga malalaki. At di hamak na mas maikli dun sa mahaba! Madalas din, magugulat ka na lang, akala mo ang dami mo nang nilabas pag tiningnan mo, ngek! Utot lang pala ang lumabas! At ang pinakakainis ay pag akala mo tapos ka na, na-flush mo na ang toilet, nasuot mo na ang salawal mo at ang damit mo, may biglang hahabol pa na minsan lalabas pero kadalasan, wala pa rin. At meron din yung nailabas mo na lahat ng mailalabas mo, kahit na gaano kakaunti o karami, tapos ayaw ma-flush.
Pero pag natapos ka na, ika'y mapapabuntung-hininga at sasabihing, "Haay...success..."
Pag natapos nang tumae, may iba't ibang gawain para alisin ang natitira pang dumi sa pwet. May iba, binubuhusan ito ng tubig tsaka pupunusan, gamit ang kamay. Yung iba, ginagamit ang tissue na pamunas at itatapon sa basurahan. Kung sosyal ka naman, ang gagamitin mo "bidet".
Marahil tinatanong mo kung ano ang kinalaman ng pagtatae sa paghahanap ng kaibigan. Marami. Sa lahat ng ating tahakin at puntahan sa buhay, marami tayong nakakaengkwentro at nakikilalang mga tao. May iba na kahit saan sila magpunta, mayroong nakikilalang bagong tao, May iba naman na parang pihikang namimili pa kung saan siya makikipagkilala. Minsan, nakakakilala tayo ng maraming mga tao at nagiging mga mabuting kaibigan sila. Minsan naman, unti nga lang ang nakikilala natin, mga isa o dalawa, pero sila'y mga "lifetime friends". Pwede rin marami tayong makilala pero mga "acquaintance" lang pala sila. Minsan, akala mo marami ka nang mga bagong
kaibigan, yun pala "one-time affair" lang, pagkatapos wala na. Di na kayo nagpapansinan. Minsan naman sa sobrang dami ng nakilala mo, hindi mo na alam
kung sinu-sino. Meron din yung mga taong nakikipagplastikan ka lang o kaya'y dikit ng dikit sa iyo, ayaw umalis kahit pinapakita mo na na ayaw mo sa kanya.
Iba iba rin ang mga paraan natin para alagaan ang mga naging kaibigan natin. Minsan, alagang-alaga tayo. Binibigay natin ang lahat at marami pa! Minsan
naman, kebs lang. Kuripot ka pagdating sa kanila. Minsan naman, alaga mo sila pero may hangganan.
Sa bawat pangyayaring tahakin natin sa buhay, maaaring tayo'y kinakabahan, nag-aalala, hindi alam kung ano ang mangyayari o kaya'y "excited". Ngunit marami sa nakikilala natin nagiging parte ng buhay natin at naapektuhan ito. Sa Ingles, "every thing we encounter contributes to the shaping of our selves". Hindi nga sila nagiging permanenteng kaibigan at permanenteng nandiyan, pero andyan pa rin sila dahil naging parte pa rin sila ng buhay mo. At sa bandang huli, nagiging "success" ang pagtahak na ito.
|
posted by Jax @ 10:39:00 PM |
|
|