Bwisit na bwisit talaga ako sa mga tao na hindi kayang magsalita o magtext o magtype na ang gagamitin ay ang tinatawag na "text-speak". Naiirita sa taong nagsimula ng pagshoshortcut ng mga salita para magkasya sa isang text message. Tuloy ang mga bata ngayon, bumabagsak sa spelling at English grammar kasi sanay silang magsalita sa "text-speak", hindi na nila alam kung ano ang tamang sasabihin.
At isa pang inis na inis ako ay ang paghihirap ng ibang Pilipino na magsalita ng Pilipino kasi masyado silang sanay sa Ingles. Bakit ganun? Bakit baliktad? Marunong akong mag-Ingles pero mas marunong akong mag-Tagalog. Bakit yung iba hirap na hirap na mag-Tagalog?
Nakakainis pa yung ibang magulang na pinapagalitan ang mga anak pag nagsalita sila ng Tagalog. Bakit nila pinapagalitan ang anak nila na bigkasin ang sariling salita? Tapos ang nangyayari pa ngayon, mas nauuna pang matuto ang mga bata ng Ingles kesa sa Pilipino. Bakit baliktad?
Kaya hindi ako nagugulat na ganito tayo eh. Hindi natin alam kung sino tayo bilang Pilipino. Sariling salita lang natin hindi natin binibigkas eh. Kasi para sa iba (at marami sila), hindi nila alam ang ibig mga salita sa Pilipino. Nakakahiya.
Pasensya na kung may mga natamaan pero siguro may rason kung bakit kayo natamaan di ba?Labels: filipino, identity, language, philippines |