Saturday, December 15, 2007 |
PBB Celebrity Edition 2 |
This is a rant about the current edition of Pinoy Big Brother. If you're not Pinoy or not a fan, you can skip this post.
*********************************************************** Anak ng ewan rin naman. Tinanggal na nga ng tao si Donnie tapos ngayon isesave daw nila si Baron dahil plastic daw si Yayo? Ano ba! Mas gugustuhin nilang manalo si Baron kesa kay Yayo? Ok sige, fine. Kahit, let's say, hindi deserving si Yayo na manalo, sa tingin nila si Baron, oo?
Lagi nilang sinasabi bigyan ng second chance si Baron. Aba, hindi ba noon pa ginagawa yun ni Big Brother noon pa? Ilan na ang nabasag niya ah. Ilan na ang nakaaway niya. Ilan na ang kasalanan niya. Pero parang di niya kinukuha yun na challenge sa kanya para magbago ng tuluyan. Tapos yung last incident, yung sa Bora fever party nila sa PBB house, lasing na lasing siya ah, tapos nababastos na niya ang mga babae. Buti na nga lang understanding ang mga girls eh. Kaya iniintindi na lang nila ang sitwasyon ni Baron. Eh pano kung hindi?
Sabi ni Baron, gusto niya ng chance para magbago. Ayan na nga o. Pero di naman niya pinapansin.
I'm sorry. Baron over Yayo? Kahit konti ang nagagawang significant na maganda ni Yayo, at least hindi siya ungrateful. I'm sorry pero para sa akin, si Baron pa rin ang housemate na mas pinili ang alak at yosi kesa sa makausap ang nanay niya, kahit sandali lang.
END OF RANT
************************************************************ |
posted by Jax @ 8:31:00 PM |
|
2 Comments: |
-
Hehehehe! Looks like someone is very affected already. Welcome to the club.
Charo is subscribed to the 24/7 service and she watches them every chance she's got.
-
Yes I am so affected! Hehehe.
Sobra sobra. Kasi gusto ko na talaga matanggal si Baron.
Bad trip talaga.
|
|
<< Home |
|
|
|
Hehehehe! Looks like someone is very affected already. Welcome to the club.
Charo is subscribed to the 24/7 service and she watches them every chance she's got.